Miyerkules, Setyembre 14, 2016

              

ALIBATA

Ang Baybayin or Alibata (alam sa Unicode bilang Tagalog script) ay isang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Filipino bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Ito ay hango sa Kavi na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java. Ito ay bahagi ng sistemang Brahmic (na nagsimula sa eskriptong Sanskrit) at pinaniniwalaang ginagamit noong ika-14 siglo. Ito ay patuloy na ginagamit nang dumating ang mga Kastila hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang ibang kahalintulad na mga paraan ng pagsulat ay ang mga Hanunóo, Buhid, at Tagbanwa. Ang salitang baybayin sa kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng pagbigkas ng mga titik ng isang salita, o "to spell" sa wikang Ingles.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento